Huwebes, Marso 15, 2018

                  " Masamang epekto ng sigarilyo sa inyong kalusugan "
 Ang sigarilyo ay may masamang epekto sa katawan o kalusugan ng isang tao. Ang sigarilyo ay nagtataglas ng 600 sangkap. Kapag ito ay nasunog, ito ay nagpapalabas ng mahigit pitong libong kemikal. Karamihan sa mga kemikal na ito ay lason at 69 dito ay dahilan ng pagkakaroon ng kanser! Karamihan sa mga sangkap na nasa sigarilyo ay nasa iba pang produkto rin na gawa sa tabako tulad ng nganga. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang nganga ay lubhang mas mapanganib dahil ito ay nag tataglay ng mataas na antas ng carcinogen at lason kumpara sa paninigarilyo.
  


Ang epekto ng paninigarilyo sa utak at pakiramdam

Isa sa mga aktibong sangkap ng sigarilyo ay ang nicotine, isang kemikal na may kakayahang baguhin ang pakiramdam ng isang tao. Kayang abutin ng nicotine ang iyong utak sa loob lamang ng ilang segundo. Ito ay isang sangkap na nakapagpapasigla sa central nervous system ng tao, makararamdam ka ng masiglang pakiramdam sa loob ng ilang sandal. Ngunit habang papawala na ang epekto ng nicotine sa katawan, makararanas ka ng pagkapagod at maghahanap ka pa ng maraming nicotine. Kaya, ang nicotine na nakukuha sa pagsisigarilyo ay nakaka-adik.